
QUEZON CITY — May mahigit 11,000 job vacancies ang inaalok ng Quezon City government sa mga residente nito sa isasagawang Labor Day Job Fair sa Mayo 1, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.
Halos 100 kumpanya at ahensya ng gobyerno ang lalahok sa job fair, na layong bigyang pagkakataon ang libo-libong aplikante na makahanap ng trabaho at makapagsimula o makapagpatuloy ng kanilang career.
Hinimok ni Mayor Joy Belmonte ang mga QCitizens na samantalahin ang okasyong ito:
“Inaanyayahan namin ang lahat ng naghahanap ng trabaho, lalo na ang ating mga QCitizens, na makibahagi sa oportunidad na ito upang masimulan o maitaguyod ang kanilang karera.”
Ayon pa kay Belmonte, ang job fair ay bahagi ng adbokasiya ng lungsod para sa inclusive economic growth sa pamamagitan ng malawakang empleyo.
“Naniniwala kami na ang trabaho ay hindi lamang kabuhayan—ito ay dangal, kapangyarihan, at tulay sa mas magandang kinabukasan,” dagdag niya.
Upang mapadali ang proseso, magkakaroon ng one-stop shop para sa mga serbisyo ng gobyerno gaya ng SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, PSA para sa National ID, NBI at PNP clearance, at QCitizen ID booth.
Kabilang sa mga kumpanyang kasali ang Max’s Kitchen Inc., Robinsons Supermarket, Sanford Marketing Corp., Super Shopping Market Inc., at Zest-O Corp.Ilan sa mga trabahong bukas ay:
- Office staff
- Cashier
- Driver
- Service crew
- Customer service representative (CSR)
…at marami pang iba.
Paalala sa mga aplikante: Magdala ng updated resume, valid IDs, at magsuot ng propesyonal na pananamit.
More Stories
MOA PARA SA PLASTIC WASTE RECOVERY PROGRAM SA NAVOTAS, NILAGDAAN
Vote-Buying? Mga Kandidato sa Malabon, Sinampahan ng Disqualification Case sa COMELEC
P20 RICE PROGRAM SA METRO MANILA, NAURONG SA MAY 13