January 23, 2025

QC MAY KASO NG DELTA VARIANT


Nagpositibo sa COVID-19 Delta variant ang umuwing Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Saudi Arabia na kasalukuyang nakatira sa Quezon City.

Hunyo 24 nang umuwi ang 34-anyos na lalaking OFW at nag-stay sa isang hotel sa Makati sa loob ng 10 araw bago siya ilipat sa iba pang hotel sa Maynila mula Hulyo 4 hanggang 11.

Nakaranas siya ng bahagyang pangangati ng lalamunan noong Hunyo 28 at sumailalim sa swab test noong Hunyo 30.

Gumaling na umano ang pasyente noong July 11, at nakaramdam lang ng pangangati ng lalamunan.

“He experienced a slightly itchy throat on June 28 and was swabbed on June 30. He was considered recovered and was allowed to go home to his family on July 11,” ayon sa lokal na pamahalaan.

Naipaalam lang umano ang sequenced sample ng pasyente sa Epidemiology and Surveillance Disease Unit (CESU) ng Quezon City nitong Linggo ng gabi.

Kaagad namang nagsagawa ang CESU ng swab tests sa kaniya at miyembro ng kaniyang pamilya nitong Lunes.

Isinailalim na rin muna sa home quarantine ang pamilya.

“He will undergo another swab test, along with his family, as part of our protocol even if he is considered a recovered patient. We are doing extensive contact tracing on his close contacts just to make sure,” ayon kay CESU head Dr. Rolly Cruz.

Tiniyak naman ni QC Mayor Joy Belmonte sa mga kababayan niya na may malawak na hakbang na nakahanda ang lungsod para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

“What is important is that we are intensifying testing and aggressive contact tracing,” anang alkalde.

Samantala, nakikipagtulungan din ang lokal na pamahalaan ng QC sa isa pang LGU tungkol sa isang construction worker na nagpositibo rin sa Delta variant.

Napag-alaman na nagtatrabaho sa QC ang manggagawa pero sa ibang lungsod naninirahan. Nagpositibo rin sa virus ang buntis na asawa ng manggagawa.

“CESU has been conducting contact tracing and swabbing at his place of work since Saturday. There are no reported cases yet at his place of work but we are doing this as a preventive measure to make sure we contain any possible transmission early,” ani Cruz.

Lumitaw na nakaramdam ng sintomas ng sakit ang manggagawa noong July 4, at nagpositibo sa COVID-19 test kinabukasan.

He was immediately admitted to the  Philippine General Noong July 18, nakalabas na ng ospital  ang manggagawa. Ang kaniya namang asawa, bagaman walang sintomas ay nagpositibo sa virus noong July 8 at July 17.

Naka-quarantine ang mag-asawa sa isang lungsod hanggang sa katapusan ng July.

Sa ngayon, mayroon nang 119 Delta variant cases sa Pilipinas. Apat sa mga pasyente ang pumanaw.