Magpapatupad ang Quezon City ng mahigpit na seguridad sa mga pampublikong paaralan.
Ito’y makaraang mapatay ang isang estudyante nang saksakin ng kanyang kaklase sa Culiat High School noong Enero 20.
“While we consider this an isolated case, the incident underscored the need to come up with additional security interventions in our public learning institutions,” ayon kay Quezon City mayor Joy Belmonte.
Ang nasabing kautusan ay nasundan ng isang pagpupulong kasama ang iba’t ibang ahensiya at stakeholders ng siyudad, kabilang na ang Quezon City Police District (QCPD), Social Services and Development Department, Schools Division Office at iba pa.
Ayon kay Belmonte, ilang sa kanilang gagawin ay ang paglalagay ng karagdagang kamera sa mga eskwelahan at random security checks.
Iniutos din ang preventive measures, kabilang ang values formation programs at ang pagkuha ng mas maraming guidance counselors, ani ng LGU.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY