Sa ikatlong sunod na taon, nakatanggap ang pamahalaan ng Quezon City ng “unqualified opinion” mula sa Commission on Audit (COA) para sa 2022 annual audit report nito kasunod ng malawakang assessment, inihayag ni Mayor Joy Belmonte sa seremonya ng ika-125 na Araw ng Kalayaan nitong Lunes, Hunyo 12.
Ang unqualified opinion ay ang pinakamataas na audit opinion na maaaring ibigay ng COA sa isang ahensya ng gobyerno, kabilang ang isang local government unit.
“Sa ikatlong sunod na taon, mapalad ang ating siyudad na mabiyayaan ng ganitong parangal. Ito’y patunay lang ng ating tuluy-tuloy na tapat sa pamamahala, at pagiging masinop sa paggamit ng pondo ng taumbayan,” ani Belmonte.
“Hindi natin maaabot ang pagkilala nito kung hindi dahil sa masisipag at tapat na mga tauhan ng ating siyudad. Para sa inyo ang parangal na ito,” dagdag nito.
Kaugnay nito ipinaalam kay Belmonte ang parangal, ang pinakamataas na pagkilalang ibinigay ng COA sa mga ahensya ng gobyerno, sa courtesy visit ni Joseph Perez, Supervising Auditor ng COA-QC.
Ayon kay Perez, natugunan ng mga financial statement ng QC government ang “applicable financial reporting framework” kasunod ng malawakang pagsusuri ng COA.
Personal na tinanggap ni Mayor Belmonte ang annual report ng COA mula kay Perez, kasama si City Administrator Michael Alimurung, Secretary to the Mayor Ricardo Belmonte Jr., at Office of the City Mayor (OCM) Chief of Staff Rowena Macatao.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY