December 24, 2024

QC LAYONG MANGUNA SA LABAN VS CLIMATE CHANGE

Pinalakas ng Quezon City government ang mga polisiya nito upang protektahan ang kapaligiran at labanan ang banta ng climate change.

Layon ng mga inilunsad na proyekto ng QC na mabawasan ang polusyon sa hangin, lupa at tubig upang maging maka-kalikakasan at malinis ang siyudad.

Maglalagay ang QC ng mga solar panel sa 50 pampublikong ospital, Quezon City General Hospital at Medical Center sa Barangay Bahay Toro, Rosario Maclang Bautista General Hospital sa Batasan Hills Hills at Novaliches District Hospital.

Naglagay din ang lokal na pamahalaan ng 93-kilometer protected bike lane network upang isulong ang active transport at urban mobility at tumulong sa decarbonization strategy upang mabawasan ang polusyon sa hangin.

Inayos at pinahusay na rin ang mga pampublikong parke at open spaces habang ang 5.39-kilometrong Green Open Reclaimed Access (GORA) Lane, isang pedestrian-oriented promenade sa kahabaan ng Dona Hemady Avenue, Scout Tobias Street, at Mother Ignacia Avenue, ay nagtataguyod sa walking at active recreational activities.

Sa programang “Trash to Cashback,” maaring ipagpalit ng mga residente ang kanilang naipong recyclable items para sa “environmental points” na magagamit na pambili ng basic commodities at pambayad sa utility bills.

Matapos ang May 9 elections, inilunsad din ng QC ang “Vote to Tote” program kung saan ang mga nakolektang campaign tarpaulins at posters ay ginawang reusable bags.

Ang iba pang mga ordinansa ng lungsod ay ang Plastic Bag Ban, na nagbabawal sa single-use plastics para dine-in customers sa resto at hotels; Green Building Ordinance; at Green Public Procurement Ordinance.

“It is the city government’s responsibility to protect its residents from the threats brought by a warming planet. Through our collective effort with stakeholders and residents, we hope to become the lead city in advancing an inclusive, ambitious, evidence-based, innovative, and transformative climate action in the Philippines,” rsaad ni reelected QC Vice Mayor Gian Sotto sa isang pahayag.

Sinabi ni Sotto na ang kanilang mga programa at inisyatiba ay lahat ay may gabay mula sa QC Enhanced Local Climate Change Action Plan 2021-2050, na naaayon sa mga layunin ng Paris Agreement, isang internasyonal na kasunduan sa climate change, at ng United Nations’ Sustainable Development Goals upang itaguyod ang  resilient, carbon-neutral, green, livable, and quality communities.