Kinilala ang Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department bilang isa sa nangungunang water at environment champions sa Pilipinas sa ginanap na World Water Day Philippines Award 2023.
Sa pagdiriwang ng World Water Day, tinanggap ni CCESD Head Andrea A. Villaroman ang Water Warrior Award for Advocacy Leadership sa isang seremonya na inorganisa ng Maynilad Water Services, Inc., National Water Resources Board, at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
“This recognition is a testament that the city’s initiatives in water conservation have positively impacted the lives of our residents. We are working closely with our partners and stakeholders to develop more programs to ensure water sufficiency for QCitizens in the future,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.
Si Mayor Belmonte ay isa ring recipient ng award noong taong 2021.
Sinabi ni Villaroman na noon pang 2019 ay nailunsad na ng QC ang Responsible Water Use Campaign kasama ang lahat ng stakeholders para sa water conservation measures.
Pinaigting din ni Mayor Belmonte ang programa ng departamento sa pamamagitan ng pagpapalabas ng kautusan para sa lahat ng city departments at barangay na gawin ang responsableng paggamit ng tubig at maisaayos ang water management.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI