April 2, 2025

QC INIHAHANDA RESCUE EQUIPMENT SAKALING MAGKA-LINDOL

NAGSASAGAWA ng imbentaryo ang mga tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office – Urban Search and Rescue ng kanilang rescue equipment nitong Miyerkules, Abril 2.

Kabilang dito ang mga shoring equipment, na ginagamit  bilang pansamantalang suporta para sa mga di-stable na estruktura, chainsaws, at life locator, na mahalaga para sa paghahanap ng mga buhay na biktima na na-trap sa mga lugar ng sakuna sa panahon rescue mission.

Ito’y matapos ang magnitude 7.7 na lindol na tumama sa Myanmar at Thailand noong Marso 28.

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang paggalaw sa Manila Trench sa West Philippine Sea ay maaaring magdulot ng magnitude 8.1 na lindol at mga tsunami.