GUMAWA ang Quezon City government ng isang early warning system na nag de-detect at nag-a-analyze ng “signals” ng posibleng pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod.
KASAMA sa warning system na dinisenyo ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) ang systematic monitoring ng mga bagong kaso, analysis of trend, at rekomendasyon ng strategic measures upang mapigilan ang panibagong life-endangering outbreak.
Ayon kay QCESU Chief Dr. Rolly Cruz, may tatlong kulay ang warning system- white, yellow at red upang iuri ang status ng infections sa lungsod.
Mayroon din itong apat na indicators- ang Growth Rate (GR) sa pagitan ng kasalukuyang linggo at nakaraang linggo; 7-day Average Daily Attack Rate (ADAR); daily positivity rate with 7-day moving average; at ang reproduction number.
Sa ilalim ng system, itataas ang white status kapag ang mga kaso ng COVID-19 ay mas mababa sa average at lahat ng data indicator ay itinuturing na stable kaya walang inaasahang pagtaas ng kaso sa susunod na 14 na araw.
Ang yellow status naman ay kung may nakikitang pagtaas ng kaso kumpara sa nakaraang linggo at kung ang tatlo sa apat na indicator ay tumaas sa above normal mula sa normal.
Sa ilalim ng kondisyong ito, may posibilidad ng pagtaas ng kaso sa loob ng susunod na 14 araw. Habang itataas naman ang red status kung patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases at lahat ng indicator ay nananatiling high o lumagpas na sa indicator threshold kung saan nagpapahiwatig ito ng pagsisimula ng surge kapag itinaas ng QCESU ang yellow o red status, inaasahang nasa high-alert ang mga komunidad at dapat mahigpit na sumunod sa minimum public health protocols. Sa ngayon, sinabi ni Cruz na nasa ilalim ng white status ang lungsod at mayroong mahigit 900 beds na nakastand-by sa kanilang tatlong natitirang hope facilities.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?