December 25, 2024

QC GOV’T SUPORTADO F2F CLASSES, TUTULONG SA MGA PAARALAN NA NANATILI SA BLENDED LEARNING MODALITY

Suportado ng Quezon City Government ang sampung public high schools na nagpapatuloy sa kanilang blended learning mdaility.

Ito’y sa kabila ng utos ng Department of Education na ibalik na ang face-to-face classes sa buong bansa.

Base sa report ng Schools Division Office – Quezon City (SDO-QC), hindi pa nagpapatupad ang sampung paaralan ng ng face-to-face classes dahil sa iba’t ibang salik, tulad ng kakulangan ng classroom. Dahil dito, hiniling ng SDO-QC sa Department of Education – NCR na i-extend ang blended learning modality sa mga piling paaralan na ito.

 

“Lubos na sumusuporta ang Quezon City sa pagbabalik ng face-to-face classes pero batid din natin na mayroon pang mga suliranin na dapat muna nating masolusyunan. Dahil dito, mahigpit tayong nakikipagtulungan sa SDO-QC para alamin kung anu-ano pa ang mga pwede nating maitulong sa mga paaralan, lalo na sa 10 high schools na nag-extend ng blended learning,” ayon kay Mayor Joy Belmonte.

Kabilang sa 10 eskwelahan ang  Justice Cecilia Munoz Palma, Bagong Silangan, Batasan Hills, Balara, San Bartolome, Novaliches, Dona Rosario, Ismael Mathay Sr., New Era, at Emilio Jacinto.

Tiniyak naman ni Belmonte na ipagpapatuloy ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng tablets at laptops na may kasamang internet allowance sa mga estudyante at guro.

“Tuluy-tuloy naman ‘yung pagpapahiram natin ng tablets sa mga bata, blended man ang klase o face-to-face, para makatulong sa pag-aaral nila. Gumagawa tayo ng paraan para makapag-face-to-face classes na rin sila sa lalong madaling panahon,” pahayag ni Belmonte.