November 16, 2024

QC, DTI LUMAGDA SA MOA PARA SA PAGPAPABILIS NG PROSESO NG BUSINESS PERMIT

Napagkasunduan ngayon ng Quezon City government at ang Department of Trade and Industry o DTI na pag-iisahin na lamang ang dating Business Name Registration System (BNRS) na maging QC’s Online Business Permit Application System o OBPAS, para mapadali ang proseso ng beripikasyo at upang mapalakas din ang Ease of Doing Business sa lungsod.

Lumagda sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Trade Secretary Alfredo Pascual ng Memorandum of Agreement o MOA sa nasabing integration, kung saan malaking tulong para mapadali ang proseso ng pagnenegosyo, malalaman kung peke ang isinusumiteng requirements at epektibong pag-monitor kung nasusunod ang pagnenegosyo sa QC.

Ayon kay Mayor Belmonte, mapapadali ngayon ang proseso ng permit sa pagnenegosyo sa QC mula sa DTI dahil kinakailangan nilang matiyak na tumalima ang mga negosyante at hindi na kailangan na manual ang pagkuha dahil ang proseso ay digital na at madali ng makuha agad ng mga negosyante.

Paliwanag pa ng alkalde na base sa data ng DTI, ang pagproseso ng business name applications ay tumatagal ng mula online 35 percent hanggang 75 percent base sa o payment collections na natatanggap simula nang development at pagpasinaya ng BNRS Next Gen noong 2019 habang Quezon City ay mayroong mahigit 65,000 businesses na halos kalahati rito ay nakarehistro sa DTI.

Ikinatuwa naman ni Business Permits and Licensing Department Head Margarita Santos ang integration ng DTI’s BNRS patungo sa QC’s digital platform dahil matutugunan na kaagad ang mga isinusumiteng pekeng BNRS bukod pa sa mapapadali ang evaluation of permit applications sa pamamagitan ng automated, system-to-system verification.”