
Nangako ang Quezon City government at ang CGIAR Resilient Cities Initiative na magtulungan para higit pang palakasin ang food security sa pamamagitan ng mga bagong teknolohiya at kasanayan na nagtataguyod ng sustainable food production.
Sa nilagdaang Memorandum of Agreement, nais din ng mga itong mapahusay ang access sa merkado at mapalakas ang kapasidad ng local farmers upang umangkop sa mga hamon.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang partnership ay magtatatag din ng kauna-unahang Vendor Business School (VBS) program.
Nilalayon nitong tulungan ang mga vendor sa Quezon City sa pagbibigay sa kanila ng mga tamang tool at kaalaman upang mapaunlad ang kanilang negosyo at kabuhayan.
Ang CGIAR Resilient Cities aynakikipagtulungan sa publiko at private sector partners upang tukuyin, iakma, at i-promote ang mga technology at business model.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN