
OPISYAL nang pinalaya ng Qatar ang 17 overseas Filipino workers na hinuli matapos lumahok sa pro-Duterte rally noong birthday ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Undersecretary Atty. Claire Castro nakausap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Qatari Ambassador Ahmed Bin Saad Al-Homidi noong Lunes.
Ibinahagi ng embahador na dismissed o ibinasura na ng Qatari authorities ang reklamo laban sa 17 OFW.
Ayon sa opisyal, sinabi ng Qatari ambassador na sumasalamin ang hakbang na ito sa matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Noong nakaraang linggo, una nang iniulat ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nabigyan ng Qatari authorities ng provisional release ang mga OFW.
“Nakikita po natin kung gaano po kabilis magtrabaho ang ating pangulo kaya parang ito po taliwas sa mga ibinibintang ng iba na walang nangyayari sa ating bansa,” ayon sa PCO.
Samatala, binanggit din ni Usec Castro na mas mabagal na ang inflation nitong Marso kumpara sa Pebrero ng kasalukuyang taon.
Bumaba nang husto ang food Inflation sa 0.%2 mula sa 0.%8 noong nakaraang buwan, malayo sa 7.4% noong nakaraang Marso 2024. Samantala, mahigit sa 1,800 4Ps beneficiaries ang nakiisa sa programang trabaho at serbisyong pangkalusugan sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Marcos.
More Stories
SANDRA BAUTISTA NG PILIPINAS KAMPEON SA BURBANK TENNIS TILT SA L.A CALIFORNIA
NWC HINIMOK SI MARCOS NA I-CERTIFY AS URGENT ANG P200 LEGISLATED WAGE HIKE
WELCOME BACK, VP SARA – HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER