October 31, 2024

Qatar, interesadong maghost ng 2032 Summer Olympics

Inanunsiyo ng Qatar na interesado ang kanilang nasyon na maghost ng olympics. Bunsod ito ng pagiging punong-abala ng bansa sa 2022 FIFA World Cup. Target ng Qatar na gawin ang olympics sa kanilang oil-rich land sa taong 2032.

Ayon sa The Gulf of Arab state olympics committee, nagsumite sila ng request sa International Olympic Committee (IOC); upang makipagtalakayan tungkol sa pagiging host sa future Games.

Anila, interesado ang Qatar na maging host ng major sporting events. Katunayan, plano nitong sumali sa bidding upang maging punong abala ng olympics at Paralympic games.

It is this proven track-record and wealth of experience, along with our desire to use sport to promote peace and cultural exchange, that will form the basis of our discussions with the Commission,” ani  Qatar Olympic Committee President Sheikh Joaan bin Hamad bin Khalifa al-Thani.

Sa kasaysayan ng olympics, wala pang bansa sa Middle East ang naging host nito. Ngunit, ang Qatar ang unang bansa sa rehiyon na magsisilbing host sa FIFA  World Cup.

Kaugnay dito, bilyong dolyar ang ginugol ng Qatar para sa paghahanda sa 2022. Gayunman, binatikos ng human rights groups ang pagtrato ng nasyon sa mga migrant workers. Subalit, iginiit ng Qatari government na hindi nila papayagan ang anumang unscrupulous treatment of workers.

Kung matatandaan, nabigo noon ang Qatar sa bid upang maging host sa 2016 at 2020 olympics.

“The IOC… welcomes the interest recently expressed by Qatar, which is the latest country to enter the new dialogue phase,”  saad ng International Olympic Committee.

Bukod sa Qatar, interesado rin ang ilang bansa gaya ng  Indonesia, Australia, India, Germany at iba pa na maghost ng 2032 Summer Olympics.