November 5, 2024

Q-BAND IPINATUPAD SA NAVOTAS

Natanggap na ng batch na 100 frontliners ng Navotas City HospItal ang kanilang ikalawang dose ng CoronaVac vaccine. Ang Navotas nakapagbakuna na aabot sa 1,901 na mga residente ng lungsod at mga trabahador sa Priority Groups A1-A3. (JUVY LUCERO)

Pormal ng sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang paggamit ng quarantine band system para mamonitor ang close contacts at mga confirmed Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases, at masubaybayan ang galaw ng mga residenteng nasa lugar na naka-lockdown.

Ang Navotas Quarantine Band System (Navo Q-Band) ay pinagtibay sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2021-24, upang itaguyod ang kahusayan sa pagsisikap at pagpapagaan ng COVID-19 ng lungsod.

Ang Q-Band ay mandatory para lahat ng indibidwal na confirmed positive patients, at ang mga nakatira sa kanila kung qualified para sa home quarantine; close contacts ng positive cases; at ang nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.

Maaaring subaybayan ng system ang lukasyon ng health status at infection risk ng mga indibidwal na makatulong sa City Health Office na matukoy ang virus clusters.

Ang mga Navoteños na nakatira sa lugar na naka-lockdown ay bibigyan ng puting Q-bands. Habang ang COVID positive patients at mga kasam nila na naka-home quarantine, at mga close contacts na sumasailalim o sumailalim sa RT-PCR test na nakabinbin ang mga resulta ay bibigyab ng pink Q-bands.

“The surge in COVID-19 cases in our city these past two months is very alarming.  The abrupt increase in community isolation facility admissions and the number of lockdowns we have imposed is a matter of grave concern,” ani Mayor Toby Tiangco.

“These circumstances not only affected the health and livelihood of our constituents. They also further stretched the meager resources of our city.  We have to act fast and use all our assets to their full advantage, and implement measures that can effectively contain the spread of the virus,” dagdag niya.


Ang Navo Q-bands ay babantayan ng Local Disaster Risk Reduction Office dalawa o tatlong beses sa isang araw random na oras. Ang mga naka-tag na indibidwal ay makakatanggap ng mensahi at kailangan nilang i-scan ang kanilang mga bands bilang kanilang tugon.

Dapat silang tumugon sa monitoring at tracking inquiry sa loob ng 10 minuto at kung hindi makasagot ng hindi kukulangin sa tatlong beses sa isang araw ng walang makatwirang dahilan ay ituturing itong paglabag sa implementing guidelines ng sistema ng quarantine band.

Sa Barangay Health Emergency Response Team naman nakatoka ang pagtanggap ng tracking messages at pag-scan ng Q-bands ng mga sakop na taong walang mobile phones.

Hindi pwedeng umalis ang mga Navoteñong may Q-bands sa isolation facility o sa kanilang home quarantine at sa sakop ng granular lockdown.

Ang mga may puting Q-band ay pagmumultahin ng P1,000, P2,000 at P5,000 para sa una, ikalawa at ikatlong pagsuway, ayon sa pagkakasunod-sunod, habang ang mga may pink na Q-band ay P5,000 ang multa sa una at mga kasunod na paglabag.

Tanging ang City Health Office lamang ang pwedeng magtanggal ng Navo Q-bands sa mga taong may suot nito.