November 24, 2024

PVL Commissioner Liao, itinalaga bilang chairman ng PNVFI

Itinalaga si Tony Boy Liao bilang chairman ng National Team Department of the Philippine National Volleyball Federation Inc.

Ito’y dahil sa kanyang championship experience  at court credentials. Katunayan, si Liao ang gumabay sa nasungkit na gold medal ng bansa sa volleyball sa SEA Games.

Inatang kay Liao ang bagong tatag na national sports association for the sport. Na ang mga opisyales ay nanumpa na.

Ang oathtaking sa office ng mga ito ay pinangunahan ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino. Na idinaos sa BGC sa Taguig City.

Ani PNVFI President Ramon ‘Tats’ Suzara, pinili si Liao dahil sa karanasan nito. Lalo na ng masungkit ng national team ang women’s gold medal noong 1993 SEA Games sa Singapore.

 “Mr. Liao was a former manager of the national team for many years,” aniya. 

“He also managed two of the most successful collegiate teams, De La Salle and Ateneo.”

“He has a vast experience in managing teams and players and is highly-versed on volleyball rules,” ani Suzara.

Isa Liao ay Commissioner ng Premiere Volleyball League. Siya ang gagabay sa team development ng PNVF.