Nanawagan si Senadora Imee Marcos sa Department of Transportation (DOTr) na bawiin na ang mga “deadly deadline” ng PUV modernization program.
Ayon kay Marcos, dapat na bumalik sa pakikipagdayalogo ang gobyerno sa mga operator, drayber at mga apektadong komyuter.
Tigilan na rin aniya ng Land Transportation Office (LTO) at DOTr ang pananakot, suspensiyon at pagbawi ng prangkisa ng mga tsuper.
Ayon kay Marcos, nararapat na pakinggan ang mga hinaing ng mga PUV operators at mga apektadong sektor lalong lalo na ang libo-libong komyuter sa bansa.
Giit pa ng Senadora, wala namang ibinibigay na sapat na subsidy ang gobyerno para sa mga operators kung hindi ang P210,000 hanggang P280,000 na ilang porsyento lamang ng P2.5 milyon na halaga ng bagong Euro-4 PUV.
Maging sa suplay, parts at serbisyo ay hindi pa handa ang mga dealer.
Aminado rin aniya ang TESDA na hindi pa nila kayang i-repair ang bagon Euro-4 PUV dahil Euro-2 pa lamang ang kanilang pinaghahandaan. Kaya pakiusap ni Marcos sa gobyerno na magpulong muna at konsultahin ang mga operators, tsuper at mga komyuters hinggil sa PUV modernization program.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY