
Matapos ang ilang araw na dentensiyon, pansamantalang nakalaya ang drag artist na si Pura Luka Vega mula sa isang piitan sa Maynila
Nabatid na ilang tagasuporta ni Vega ang nagbayad ng piyansa para sa kanya. Umabot sa P72,000 ang inilagak nitong bail bond para ma-release sa bilangguan.
Ayon kay Manila Police District Station 3 Chief, P/Lt. Col. Leandro Guttierez, pinalaya si Vega o Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay, ngayong araw dahil may release order na ito mula sa hukuman.
Inaresto si Vega noong Miyerkoles matapos ireklamo ng religious group dahil sa kanyang viral na ‘Ama Namin’ performance.
More Stories
COMELEC sinampolan sina Marcy at Maan Teodoro sa umano’y vote buying sa Marikina
Cardinal Robert Francis Prevost ang bagong Santo Papa
MAGIC 12 SA SENADO DIKDIKAN – SURVEY