PUMEDAL na ang pag-inog ng preparasyon ng bansa para sa parating na 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023.
Ito ay matapos ang pagpupulong ng Philippine Olympic Committee sa pangunguna ni president Rep. Abraham ‘Bambol Tolentino sa bagong nombrang chairman ng Philippine Sports Commission na si Richard ‘Dickie Bachmann at board of comisioner nito kamakalawa sa isang camaraderie dinner sa Conrad Hotel.
“It was a fellowship and working dinner that delved more on the training of our SEAGames- bound athletes,” wika ni Tolentino na siya ring pinuno ng Phil Cycling at kasalukuyang alkalde ng Lungsod Tagaytay.
“There,too,were discussions on equipments that would be handed over to national sports associations and even local government units,” ani pa Tolentino.
Ang Cambodia SEA Games Organizing Committee ay nagtakda ng deadline ng entry by numbers noong Sabado pero ayon sa POC chief ay may mga revisions pag dapat i-finalize sa entry ng Team Philippines.
Nagkadaupang-palad sa ikalawang pagkakataon sina POC top brass Tolentino at PSC head Bachmann at kasama na ng huli ang kanyang commissioners na sina Bong Coo at Walter Torres sa naturang fellowship meeting sa Conrad Hotel sa Pasay City.
Nag-allot ang PSC mula sa general appropriations ng P270 milyon pondo para sa pagsabak sa Cambodia SEA Games.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag