September 23, 2024

PULIS TODAS SA HOLDAPAN (MPD may tinutukan ng posibleng mga suspek)

Pinaliwanag ni Manila Police District (MPD) Director PBGEN Rolando Miranda na may natukoy na apat na persons interest sa pagpaslang kay Police Master Sargeant Roel Candido ng MPD-Station 11 sa ginanap na press conference ni NCRPO Chief PMGEN Debold Sinas sa Hinirang Multi Purporse Hall sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig. (Kuha ni JHUNE MABANAG/AGILA NG BAYAN)


KINUMPIRMA ni Manila Police District Director, PBGeneral Rolando Miranda na apat na suspects sa pagpaslang sa pulis ng Maynila ang tinututukan ngayon ng follow up investigators ng MPD.

Si Police Executive Master Sergeant Roel Candido ay pinagbabaril ng mga suspect habang naiipit sa trapiko sa Soler St., Binondo, Maynila noong Setyembre 19 pasado alas-5 ng hapon kasunod nang ginawang pagholdap ng mga suspect sa dealer ng mga alahas sa Binondo.

Sa press conference ni NCRPO chief PMGeneral Debold Sinas, sinabi ni Miranda na nakikipag-ugnayan na rin sila sa iba pang police district kung saan ay may naganap din na katulad na robbery and holdup sa ilang indibiduwal.

Ito aniya ay upang matukoy kung pare-parehong suspects ang nasa likod ng mga naturang insidente Sa ngayon ayon kay Miranda ay puspusan ang follow up operations ng Manila police laban sa mga suspects sa pagpaslang sa pulis na si Candido. GINA MAPE