ESPERANZA, SULTAN KUDARAT – Binawian na ng buhay ang pulis na pinagbabaril kahapon ng umaga sa PNP quarantine checkpoint sa Purok Malipayon, Brgy. Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat. Habang ginagamot pa ang ibang kasamahan nito.
Kinilala ang nasawing pulis na si Police Executive Master Sergeant Arnold Paclibar at ang mga sugatan ay sina PSSg Chato Maycong, Ms. Josephine Danggan, BHW at Mr. Saldo alyas Lanto na isa namang Barangay Tanod ng Barangay Poblacion.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Esperanza MPS PNP, pinahinto ni Paclibar ang suspek sakay ng motorsiklo upang hanapan ng dokumento. Subalit hindi pa mana natatapos ang biktima ay biglang bumunot ng cal.45 ang suspek at binaril ang pulis sa ulo. Dahilan ito upang makipagpalitan ng putok ang kasamang pulis na ikinasugat nito at ng iba pang biktima.Kaya naman nakipagbarilan na ang kasamang ng mga pulis ni Paclibar na si PSSg Maycong sa suspek ngunit tinamaan ito sa kamay.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang pamamaril.
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO