SAN JUAN, BATANGAS – Patay ang isang pulis nang paulanan ng bala ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek na sakay ng isang hindi naplakahan na motorsiklo dakong 3:40 ng hapon nitong araw ng Linggo sa Barangay Calicanto ng nasabing bayan.
Kinilala ang biktima na si Police Executive Master Sargeant (PEMS) Rommel Panopio alyas “Panoy”, 52,residente ng Brgy.Tipaz ng naturang bayan at naka-assigned sa Batangas Police Provincial Office (BPPO) Holding and Accounting Unit.
Ayon sa report ng San Juan Municipal Police Station lulan ng kanyang sasakyan na Kia Bonggo Van na meron plakang RBN 462 ang biktima sa kahabaan ng Barangay Calicanto ng nabanggit na bayan papasok sa kanyang duty nang harangin at paputukan ng maraming beses ng mga suspek gamit ang ‘di pa batid na kalibre ng mga baril at nagtamo ng mga sugat kanyang dibdib at tiyan ang biktima dahil sa mga tama ng bala.
Mabilis tumakas ang mga salarin patungo sa ‘di pa tukoy na direksyon at naisugod pa sa San Juan District Hospital ng mga kagawad ng San Juan Municipal Disaster and Risk Office (MDRRMO) ang biktima subalit idineklarang Dead on arrival (DOA) nang rumespondeng doktor na si Dra. Gladys Yupio.
Nagsasagawa na ngayon ng autopsy and examination sa bangkay ng biktima ang Scene of the Crime Operatives o SOCO. Sinabi naman ni Batangas Police Provincial Director Colonel Glicerio Cansilao na dati nang nakasuhan ng administrative case ang namatay na pulis at bumuo na rin sila ngayon ng Special Investigation Task Group (SITG) “Panopio” na tututok sa imbestigasyon para malaman ang naging motibo at malutas ang nangyaring pamamaslang sa biktima. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA