DINAKIP ng kanyang mga kabaro ang isang pulis matapos i-reklamo ng panghahalay ng isang Grade 4 pupil na anak ng kanyang live-in partner sa Valenzuela City.
Kaagad ipinag-utos ni Northern Police District (NPD) acting Director PCOL Ponce Rogelio Peñones ang pakumpiska sa service firearm, badge, at ID sa suspek na kinilalang si PCpl Reynold Panao, 38 at nakatalaga sa Valenzuela City Police.
Batay sa isinumiteng report ng Women’s and Child Police Desk (WCPD) kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente ng panghahalay umano ng suspek sa 9-anyos na biktima sa loob ng kanilang bahay sa Bernardo St., Sumilang Subdivision, Dalandanan.
Natigil lang umano ang ginagawa ng lalaki nang magising ang ina ng biktima at nang tatayo sana siya para buksan ang ilaw at sabihin sa kanyang ina ang ginawa sa kanya ay binulungan umano siya ng suspek “Wag ka maingay, kapag nalaman ng mommy mo bubugbugin ko siya”.
Dahil sa takot, lumabas ang biktima at pumunta sa kanyang kapatid na lalaki na natutulog sa salas kung saan sinundan siya ng kanyang ina saka tinanong kung anu ang ginawa sa kanya ng suspek at dito niya ibinunyag sa ina ang sekswal na pang-aabuso sa kanya ng lalaki.
Humingi ng tulong ang ina ng biktima sa mga tauhan ng Dalandanan Police Sub-Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek kung saan sinabi pa ng biktima na may iba pang pagkakataon na minolestiya siya ng suspek.
Kasong Statutory Rape ang isinampa sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng electronic Inquest Proceedings. “In line with our CPNP’s thrust Malasakit in M+K+K=K, wherein we intensify our internal cleansing within our ranks, we will never allow abusive policemen to remain in our organization and tarnished the advances we attained because of the misdeeds of some police officers, He will rot in jail,” ani PCOL Peñones.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA