INATASAN na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar si Nothern Police District (NPD) Director PBGen. Jose S. Hidalgo Jr., para imbestigahan ang reklamo ng pagwawala at pananakot umano ng isang pulis sa loob ng Valenzuela City Emergency Hospital (Triage Area) G. Lazaro St. Barangay Dalandanan ng Valenzuela City.
Kinilala ang pulis na si Patrolman Angelo Mendoza Abalos, 37, nakatalaga sa Malabon City Police Station habang ang mga biktimang nagrereklamo ay sina Simon S. de Galicia, na isang nurse at Gilbert Belmonte, mga kapwa nagtatrabaho sa nabanggit na ospital.
Base sa salaysay ng mga complainant sa mga awtoridad, dumating ang suspek na si Pat. Abalos sa naturang ospital kasama ang kanyang asawa para ipagamot ang dinaranas umano nitong high blood pressure at nagpakilala na isang pulis at nagsisigaw sabay bigkas ng “Tang ina naman, nagpakilala na akong pulis!” Kung hawak ko lang ang baril ko binaril ko na kayo!”
Dahil sa ginawang pagbabanta ay natakot umano si de Galicia, kaya’t agad itong nagreport sa mga barangay official na agad naman tumawag ng mga pulis sa Sub Station 6 na mabilis namang nagresponde sa pangunguna ni PLt Armando I. Delima na agad naman inaresto ang suspek at dinisarmahan at ngayon ay itinurn-over na sa Station and Investigation Unit ng Valenzuela City Police Station para sa ginagawang imbestigasyon.
“Hindi natin kukunsintihin ang mga ganitong klaseng asal at tinitiyak ko na pananagutin natin ang pulis na ito kapag lumabas sa imbestigasyon ang kanyang pagkakasala,” sambit ni Eleazar. (KOI HIPOLITO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY