November 3, 2024

PULIS NA PUMATAY SA 52-ANYOS NA BABAE: ‘I AM PROUD TO BE A GOOD COP’


Minsan na rin pa lang inahalintulad ni Master Sergeant Hensie Zinampan ang kanyang sarili kay Jonel Nuezca, ang pulis na pumatay sa mag-ina noong nakaraang Disyembre.



Ayon sa kanyang Facebook post noong late 2020, na siya ay mabuting pulis ng Philippine National Police at hindi tutulad kay Nuezca.

Para ipagtanggol ang kanyang institusyon, sinabi pa ni Zinampan ang kasalanan ni Nuezca ay hindi kasalanan ng buong PNP.”

“While there are unfortunate incidents like this, the vast majority of PNP perform their sworn duties everyday with honor and integrity to protect and serve the people,” saad pa noon ni Zinampan sa kanyang Facebook post na ngayon ay kumakalat ngayon sa social media.

Pero limang buwan ang nakalilipas, siya naman ngayon ang naging trending sa social media, dahil sa nagawa niyang krimen.

Isa rin pala siya sa bulok na mansanas sa 200,000 puwersa ng kapulisan.

Nitong Hunyo 1, nag-trending ang #PulisAngTerorista sa Twitter matapos mapatay ni Zinampan ngayong Lunes ang isang 52-anyos na babae sa Quezon City.

Una nitong itinanggi na namatay ang naturang ginang sa kanyang mga kamay hanggang sa lumabas ang isang footage kung saan makikita na nilapitan niya ang biktimang si Lilibeth Valdez, nasa nasa labas ng kanilang bahay sa Barangay Greater Fairview.

Binunot ni Zinampan ang baril mula sa kanyang bag, naglakad papalapit kay Valdez, hinila ang kanyang buhok at saka binaril, saad ng kanyang anak na si Beverly Luceño sa GMA News.

Nitong Martes, pinasisibak at pinakakasuhan ng murder ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar si Zinampan.

.”Karumal-dumal at hindi katanggap-tanggap ito dahil pulis dapat ang nagpo-protekta sa ating mga kababayan, at hindi ang nag-a-astang kriminal laban sa kanila,” saad ni Eleazar, na nangakong magsasagawa ng “internal cleansing” sa kanyang mga tauhan.