Naghain ng ‘not guilty; ang pulis na pumatay sa mag-inang Sonya Gregorio at kanyang anak na si Frank Anthony noong Disyembre 20, 2020 sa Paniqui, Tarlac para sa kasong murder.
Ayon kay Central Luzon Police Regional Office Director Valeriano de Leon, isinagawa ang arraignment ng kaso ni Police Staff Sgt. Jonel Nuezca noong Enero 8. “Sa ngayon nasa custody pa rin s’ya ng Bureau of Jail Management and Penology,” ayon kay De Leon.
Nakatakda ang unang pagdinig sa kaso sa Pebrero 4, 2021.
Matatandaan na binaril ni Nuezca ang malapitan sa ulo ang mag-ina, na kanyang kapitbahay, sa harap ng mga kaanak nito noong hapon ng Disyembre 20.
Nakuhanan ng video ang naturang insidente na naging viral sa social media, na nagdulot ng galit sa publiko at nag-udyok kay Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas para ipag-utos na ito’y sibakin sa puwesto.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY