Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Debold Sinas, sa lahat ng mga police personnel na nagmamando ng mga checkpoints na itigil na ang pag-aresto ng mga lumalabag sa health and safety protocols ngayong nasa modified enhanced community quarantine na ang NCR Plus Bubble.
Siniguro ng PNP na strikto pa rin nilang ipatutupad ang health and safety protocols para maiwasan ang pagkalat pa ng Covid-19 virus.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana, ipinag-utos din ni Sinas sa mga police commanders na huwag ng tumanggap ng mga referral o pag turn over sa kanila ang mga nahuhuling quarantine violators ng mga barangay officials o ng barangay security officers.
Sinabi ni Usana, nais lamang ni PNP Chief na bigyan ng warning ang mga violators at paalalahan ang mga ito na sumunod sa minimum health safety protocol.
Paliwanag naman ni Usana na ang pag-aresto o pagsampa ng kaso laban sa mga quarantine violators ay impractical dahil kinakailangan pang dalhin sa police station ang violators.
Para naman duon sa lumabag sa uniform curfew hours na adjusted na ngayon mula 8 pm hanggang 5am, ang penalties sa mga ito ay dapat i-settle o ayusin na sa barangay level.
Aminado si Usana, may natututunan na ang PNP kaugnay sa insidente sa General Trias kung saan isang quarantine violator ang nasawi matapos pinag-pumping ng mga pulis.
Sa datos ng PNP, halos 50,000 quarantine violators ang naitala ng PNP ng simulan pairalin ang ECQ sa NCR Plus Bubble. Siniguro naman ni Usana na palalakasin ng PNP ang kanilang presensiya sa mga areas of convergence gaya ng palengke, terminal, malls, train at iba pa upang matiyak na nasusunod ang pagsuot ng face mask, face shield at social distancing.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY