January 23, 2025

PULIS AKSIDENTENG NABARIL NG KABARO, TODAS

NASAWI ang isang pulis habang sugatan naman isa pa matapos aksidenteng pumutok ang baril ng kanilang kabaro na nagsasagawa ng dry-firing sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Capt. Patrick Alvarado of District Mobile Force Battalion ng Northern Police District (NPD-DMFB) ang nasawi na si P/SSgt. Christian Pacanor, 33, nakalataga sa DMFB-Forward Base at residente ng Sangandaan, Caloocan City habang si Pat. Jhomel Blas, 26 ng C-5 Road, Brgy. Ususan, Taguig City ay nasa ligtas ng kalagayan.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, kusang loob namang sumuko si Pat. Mark Jim Prado, 28, nakatalaga din sa DMFB Forward Base at residente ng 5-0 Gen. Santos Ave., Lower Bicutan, Taguig City at nakatakdang sa inquest proceedings sa Malabon City Prosecutor’s Office para sa kasong homicide at serious physical injury.

Sa inisyal na impormasyon mula kay P/SSgt. Jerry Bautista ng Malabon Police Sub-Station 4, habang nagsasagawa si Pat. Prado ng dry-fire gamit ang kanyang issued caliber .9mm Canik pistol sa loob ng DMFB Forward Base sa Blk 45 Salmon St. Brgy. Longos, alas-8:45 ng umaga nang aksidenteng pumutok ang baril.

Tumagos ang bala sa dingding na kahoy at tinamaan si SSgt. Pacanor sa likod at tumagos ang slug sa harap ng kanyang katawan habang si Pat. Blas ay nahagip naman sa ibabang bahagi ng kaliwang tainga.
Kaagad isinugod ang mga biktima sa Ospital ng Malabon subalit, hindi na umabot ng buhay si PSSg Pacanor habang inilipat naman kalaunan si Pat. Blas sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na inoobserbahan.