ANGELES CITY, Pampanga – Inanunsiyo ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) na dalawang dayuhang pugante ang nadakip sa nasabing lalawigan noong Martes ng umaga.
Ayon kay Bobby Raquepo, head ng Fugitive Search Unit ng BI, naaresto ang Amerikano na si Xavier Fernando Monroy, 63, sa Barangay Cacutud, Angeles, Pampanga sa isinagawang joint operation ng Presidential Anti-Corruption Comission, Philippine National Police PRO-4A, Angeles City Police Office, at US authorities.
Nabatid na si Monroy ay may outstanding warrant of arrest na inilabas ng United States District Court for the District of Columbia noong Mayor dahil sa mga kasong, conspiracy, bribery, false statements at objection of justice.
Lumalabas sa record na si Monroy ay dating nanungkulan bilang Director for Operations ng US Navy’s Military Sealift Command bago lumapag sa Pilipinas.
Sa isa pang report ni Raquepo noong araw ding iyon ay naaresto naman ang isang Korean national na si Kim Junghwan, 41, sa Barangay Balibago, Angeles sa joint operations ng Criminal Investigation and Detection Group Angeles City at Korean authorities.
Lumalabas sa report na subject si Kim ng deportation order na inilabas noong 2019 dahil sa pagiging undesirable alien.
Mayroon ding outstanding warrant of arrest itong si Kim na inilabas ng Suwon District Court Republic of Korea at kinokonsidera bilang isang pugante sa batas ng Interpol dahil sa pag-i-import at pangangalakal ng psychotropic substances na labag sa Narcotics Control Act ng Korea.
Napag-alaman na si Kim ay nagpuslit ng 167g ng methamphetamine sa Seoul mula sa isang seller na nakabase sa Pilipinas sa pamamagitan ng international courier service.
Iniulat din na mayroon pa siyang dalawa pang arrest warrant sa paglabag din sa Narcotics Control Act ng Korea.
Kinansela na rin ng kanilang pamahalaan ang kanilang passport, kaya maituturing ang mga ito na undocumented alien.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE