IPINA-DEPORT na ng Bureau of Immigration ang isang high-profile na pugante na wanted sa terorismo at organisadong krimen sa Inia, na nagresulta sa kanyang agarang pagkakaaresto pagdating sa New Delhi.
Nadakip noong Hulyo 2024 ng BI-Fugitive Search Unit (FSU) sa Bacolod City at ikinulong habang hinihintay ang deportation.
Pinalayas siya mula sa Maynila noong Pebrero 1 patungong Bangkok, Thailand at mula doon ay dumiretso sa New Delhi, kung saan siya ay agad na inaresto ng mga awtoridad ng India.
Siya ay nasasangkot sa hindi bababa sa 26 na kasong kriminal sa iba’t ibang estado sa India, kabilang ang pagpatay, tangkang pagpatay, pangingikil at pagdukot para sa ransom.
Siya rin ay inakusahan ng pagbili ng mga iligal na armas, pag-oorganisa ng mga kontraktwal na pagpatay, at pamumuno sa isang malawak na network ng pangingikil na target ang mga negosyante at propesyonal.
Pinuri ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang magkatuwang na pagsisikap ng mga awtoridad ng Pilipinas at India, binigyang-diin ang kahalagahan ng deportasyon kay Gyong.
“This operation sends a clear message — criminals and terrorists will find no safe haven in the Philippines,” ayon kay Viado.
“Gyong was a serious threat, and we ensured his removal from our country.”
More Stories
Perya-sugalan sa Tikling, Taytay, Rizal aprobado ba ni Mayor Allan de Leon?
Phase 1C multipurpose building, bunuksan na
Kelot na may bitbit na baril habang gumagala sa Navotas, timbog