November 24, 2024

PUGANTENG CHINESE ARESTADO MATAPOS TANGKAING I-EXTEND ANG VISA

NADAKIP ang isang 27-anyos na lalaking Chinese national na itinuturing sa kanilang bansa bilang pugante matapos subukang i-extend ang kanyang visa sa Bureau if Immigration (BI) Tourist Visa Section.

Kinilala ni Section Chief Raymon Remigio, ang Chinese man na si Luo Xinya. Hinarang siya noong Hunyo 26 nang tangkaing i-extend ang kanyang visa.

Pinuro ni BI Commissioner Norman Tansingco ang kanyang mga tauhan na ipinakita kung gaano kaepektibo ang sistema upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

“Our centralized immigration system is crucial in identifying and apprehending individuals with derogatory records. The swift turnover of Luo Xinya demonstrates our commitment to national security,” dagdag ng BI chief.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Remigio na inakala ng Chinese national na patuloy pa rin siyang makapagtatago sa bansa sa kabila ng kanyang arrest warrant sa China.

“What he doesn’t know is that our system is connected to the BI’s centralized database of derogatory records, allowing us to immediately detect those with deportation orders,” pagpapatuloy niya.

Napag-alaman na subject si Luo ng summary deportation order na inisyu ng BI noong 2023 matapos ipaalam ng Chinese authorities sa ahensiya na mayroon itong nakabinbin na detention warrant na inisyu ng Chongqing Hechuan District Public Security Bureau ng China.

Dahil dito, itinuturing si Luo na isang undesirable alien at ipinag-utos na ipa-deport ng Board of Commissioner ng BI.

Kalaunan ay inaresto siya ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit sa pamumuno ni Rendel Ryan Sy at inilipat sa warden facility ng BI sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang implementasyon ng kanyang deportation. (ARSENIO TAN)