LOPEZ, QUEZON – Arestado na muli ang pugante na tumakas sa Taysan Municipal Lock up cell sa Batangas nuon lunes ng gabi, matapos na matunton ng mga otoridad ang pinagtataguan nitong lugar sa Brgy. San Francisco B Lopez sa bayan ng Quezon, bandang alas-7:30 ng umaga nitong Huwebes.
Kinilala ang suspek na si Rudy Basia, 42, residente ng Brgy.Calantipayan sa nabanggit na bayan at isang prison under police custody na meron mga kaso ng robbery at frustrated homicide.
Base sa ipinadalang report ni Quezon Police Provincial Director (QPPO) PCol. Joel Villanueva kay Calabarzon Regional Director PBGen. Eliseo DC. Cruz, isang tawag sa telepono galing sa isang residente sa lugar ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng suspek matapos umano nilang makita ang larawan ng suspek sa mga pahayagan at social media kaya’t agad pinuntahan ng mga otoridad ng Lopez PNP sa pangunguna ni PMaj. Dandy P. Aguilar ang hepe ng naturang bayan at ng Taysan PNP sa pangunguna naman ni PLt. Radny Bongcawil subalit bago makalapit sa bahay ng suspek ang mga pulis ay agad nagpaputok ito ng dalang kalibre 38 na baril kaya’t napilitang gumanti ng putok ang mga pulis at nabaril ang suspek sa kanang hita.
Narekober sa suspek ang dalang baril na walang serial number at meron laman na dalawang 2 piraso ng mga basyo ng bala.
Pansamantalang nakaditine na ngayon ang suspek sa Lopez Municipal Lock Up Cell habang inihahanda ang mga panibagong kaso sa korte. (KOI HIPOLITO)
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM