December 24, 2024

PUBLIKO PINAG-IINGAT SA PAPARATING NA BAGYO

NANAWAGAN si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa publiko na ibayong pag-iingat at manatiling alerto dahil may inaasahang sama ng panahon na papasok sa Philippine Area of Responsibility sa loob ng 24 oras.

“Let us engage in proactive planning and stay informed with relevant updates to ensure we are adequately prepared,” ani Teodoro sa isang news release. “We are collaborating closely with all concerned agencies to establish a comprehensive and cohesive action plan,” dagdag niya.

Batay sa predictive analyses ng Department of Social Welfare and Development, mahigit sa isang milyong indibidwal ang maapektuhan ng paparating na tropical cyclone.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, ang isang low-pressure area sa Virac, Catanduanes, ay inaasahang magiging tropical depression sa loob ng susunod na 24 na oras.

Sakaling makapasok ng bansa, tatawagin itong Krisine, ang ika-11 bagyo ngayong taon.