Kinumpirma ng Philippine Postal Office o Philpost na isang scam ang isang quiz game na umiikot ngayon sa social media.
Sa post ng ahenya sa kanilang official page, binalaan nito ang publiko at sinabing hindi namimigay ng financial aid ang Philpost.
Dagdag ng ahensya maaring magkaron ng access ang mga scammers sa mga personal na impormasyon na hihingin ng website sa oras na i-click ang link.
Paalala ng Philpost hinding-hindi gagawin ng kanilang ahensya ang tumawag, mag-text o mag-email at humingi ng personal na impormasyon o mag-request ng bayad o magpa-click ng anumang email link para makapag-claim ng anumang package.
Ang nasabing public announcement ng Philpost ay bunsod ng link na sini-share ngayon sa social media kung saan kailangan mo lang sumagot ng apat na katanungan at may tsansa ka ng manalo ng P7,000 na ayuda at maki-claim mo ito kapag shinare mo ang link sa ibang tao.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA