HINIKAYAT ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang publiko na lumahok sa iba’t ibang aktibidades ng gobyerno para sa ika-126 Independence Day ng bansa.
“The theme is since last year is ‘Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan’. The highlight is on June 12 when a commemorative flag raising will be held. In the afternoon, a huge parade consisting of 22 floats from across the country will feature the government established by Emilio Aguinaldo as well as the towns that were part of the revolution,” ayon kay NHCP History Researcher II Alton Concillado.
Aniya, iniimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na saksihan ang parade na magsisimula ng alas-5:00 ng hapon sa Hunyo 12 sa CCP grounds sa Roxas Blvd. hanggang Burnham Green, tapat ng Quirino Grandstand.
Magkakaroon din ng concert pagkatapos ng parade, dagdag niya.
Magsasagawa rin ng flag raising ceremonies sa Cavite; Malolos; San Juan City; Caloocan City; Angeles City; at NHCP museums sa buong bansa.
Samantala, sinabi ni Cincillado, na 132 booths ang binuksan para sa publiko ngayong araw ng Lunes sa Luneta Park, upang payagan sila na magkaroon ng access sa iba’t ibang serbisyo ng gobyerno.
Bukos sa Kadiwa ng Pangulo, available din ang medical at dental services sa nasabing mga booths.
Noong Biyernes, nagsagawa ang gobyerno ng Musikalayaan, kung saan tampok ang mga musicians at Armed Forces of the Philippines.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA