
Hinikayat ng Philippine National Police ang publiko na maging pursigido sa pagsusumbong ng mga insidente ng online scam.
Sa Kapihan sa Manila Bay, pinaliwanag ni Police Capt Michelle Sabino, tagapagsalita ng PNP Anti-Cybercrime Division na taliwas sa paniniwala ng ilan, mayroon aniyang nangyayari sa kanilang sumbong
Sinabi ni Sabino na ang mga naiipong sumbong ang nagiging basehan sa mga imbestigasyon na ginagawa ng mga otoridad
Dagdag ni Sabino, isínusulong na rín ng PNP na maibaba sa mga istasyon ng pulisya ang pagtugon sa mga simpleng insidente ng online scam upang agad na matugunan.
Pinaliwanag ni Sabino na kaya hindi agad natutuguna ang mga sumbong ng publiko ay dahil na rin sa pagkakatambak ng mga reklamo sa Anti-Cybercrime Division.
Aniya pa dapat tanggalin sa anti-cybercrime ang mga petty crimes upang makapokus ang mga otoridad sa mas malalaking krimen.
More Stories
BASECO BEACH, ISINARA SA PUBLIKO
PRANGKISA NG MERALCO PINALAWIG PA NG 25 TAON, IKINALUGOD NI MVP
DISQUALIFICATION CASE VS PASIG POLL BET IAN SIA, UNTI-UNTI NANG UMUUSAD