Mananatili ang operasyon ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila habang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine o ECQ simula Agosto 6 hanggang 20.
Ayon sa Palasyo, inilagay sa ECQ ang NCR upang mapigilan ang pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant.
Maaring magsakay ang mga tren, bus at jeep ng hanggang sa 50% passenger capacity.
Kailangan pa ring magsuot ng mga mananakay ng face mask at shields at panatilihin ang wastong physical distancing.
Bawal pa rin ang pakikipag-usap habang nakasakay sa public transport sa telepono man o personal.
Dapat tiyakin ng mga operator na masusunod ang health protocols sa lahat ng pagkakataon.
More Stories
BILANG NG SCAM COMPLAINTS NAGING TRIPLE NOONG 2024 – CICC
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game
EX-NCAA BASKETBALL PLAYER TINAMBANGAN PATAY