December 27, 2024

PUBLIC LIBRARIES NAIS I-UPGRADE NI LACUNA

IPINAG-UTOS ni Mayor Honey Lacuna na pag-aralan kung papaano mai-upgrade ang public libraries na pinapatakbo ng lokal ng pamahalaan ng Maynila.

Ayon sa kanya, may 11  malalaki at maliliit na silid-aklatan sa lungsod, na ilang dekada nang pinapatakbo.

Sa kabila aniya nang pagsulpot ng e-books at accessibility ng impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng internet, mananatili ang public libraries ng lungsod.

Tiniyak naman ni Lacuna na kahit mayroon ng mga e-books at madali na ring makakuha ng mga impormasyon sa pamamagitan ng internet, mananatili pa rin ang operasyon ng mga naturang public libraries.


Binigyang-diin ng alkalde na kailangan na pag-aralan ang magagandang ginagawa sa ibang bansa na puwedeng gayahin dito sa atin upang makasabay sa makabagong panahon ang ating mga libraries.

“Baka may mga best practices na pupuwede gayahin para mahikayat natin ang mga kabataan na pasuking muli ang ating public libraries,” sabi ni Lacuna.

“We can maybe do some benchmarking sa ibang aklatan para makita nila how to improve the services being offered currently by our city libraries,” dagdag pa niya.