Dalawang bagay lang ang daw ang pwedeng gawin ng pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) para matugunan ang idinulot na aberya ng RFID (Radio-frequency identification) installation, ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.
Sa isang online post iminungkahi ng alkalde na personal na humingi ng tawad ang NLEX sa publiko, o kaya ay magpatupad ng “toll holiday.”
“Walang singilan hanggang madeliver nila ang maayos na service sa mga toll plaza nila,” ani Gatchalian.
Pahayag ito ng Valenzuela City mayor matapos sakupin ng traffic ng mga sasakyan ang ilang kalsada ng lungsod na malapit sa toll gates ng NLEX.
Ipinatupad kasi ng Department of Transportation ang cashless payment simula December 1, kaya naman naghihikahos na makapag-pakabit ng RFID sticker ang mga motorista.
Una nang nagpadala ng sulat si Gatchalian sa pamunuan ng NLEX, kung saan siningil niya ng aksyon ang korporasyon. Pinagpaliwanag din ng mayor ang kompanya para hindi bawiin ang kanilang business permit.
Sumagot naman ang NLEX Corporation at umapela ng 15-araw na palugit para matugunan ang mga hinaing ng alkalde.
“We have already mobilized the relevant teams to submit their findings and recommendations,” ani NLEX President and General manager Luigi Bautista.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA