
Arangkada na ng marubdob na programang magiging instrumental sa pagsulong at pagyabong ng larangan ng billiards sa bansa.
Idinetalye ng pamunuan ng Sharks Billiards Association( SBA) ang pinaka-epektibong hakbang sa pagdiskubre ng talento para sa SBA Season2 at kung paano aangat pa ang billiards bilang mainstream sport.
“It’s an overview of PH Open 2025 as the main scouting event for SBA S2 teams.Bukas ang torneo para sa professional at amateur nating bilyarista sa bansa at layon ding makatulong sa NSA ng billiards sa pagbuò ng national team na saabak sa international competitions tulad ng SEAGames, Asiad at World tilts”, wika ni SBA founder/ Commissioner Hadley Mariano sa presscon na ginanap kahapon sa Sharks Arena and Sports Bar sa Morato, Quezon City.
Dumalo sa naturang press conference at MoA signing sa pagitan ng PTV 4 at SBA, sina Games and Amusement Board Chairman Francisco Rivera,Oscar Orbos- chairperson BOD designated OIC PTV Network General Manager, Adrian Oquindo -Cuehub owner at team owners ng SBA S2. (DANNY SIMON)
More Stories
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification