BUONG lugod at kagalakan ang nadarama ng pamunuan ng Philippine Table Tennis Federation sa malaking kaganapang ihu- host ng Taguig City Local Government Unit ang komprehensibong paghahanda at ensayo ng pambansang koponan sa pingpong na sasabak sa 31st Southeast Asian Games Vietnam 2021.
Ito ay matapos ipahayag ni Philippine Olympic Comittee President Rep.Abraham ‘Bambol ‘Tolentino kamakailan ang mga LGU’s na handang sumuporta at maging punong-abala sa preparasyon ng mga national athletes mula piling national sports associations para sa naturang biennial meet sa Hanoi na lalarga sa Nobyembre-Disyembre ng taon.
“We at the PTTF family are so excited to be adopted by Mayor Lino Cayetano of Taguig City. They are well known table tennis enthusiasts who played and loved the sport,” pahayag ni PTTF president Ting Ledesma. “They’re. very supportive in the sport of table tennis for so many years now and in the future. Our nationals will surely feel at home once they start training in Taguig.”
Si Ledesma kabilang ang kanyang mga opisyal , trainers, coaches at players ay nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat sa malasakit at kalingang ipinagkakaloob ng pamunuan ng POC at Philippine Sports Commission.
“Thank you so much to our POC President Cong.( Deputy Speaker) Bambol Tolentino, PSC Chairman William ‘ Butch’ Ramirez, Cong.( former Speaker)Alan Peter Cayetano and Mayor Lino Cayetano for supporting Philippine Table Tennis National team.
Dahilan sa suportang kaloob ng LGU sa Lungsod ng Taguig,POC at PSC nangako naman ang PTTF family partikular ang mga pambatong atleta nito na magde- deliver sila pagsapit ng sandali ng katotohanan sa kada-dalawang taong sports spectacle sa Timog Silangang Asia na SEAGames.
“We will work harder to get the gold medal come 31th SEAGames Vietnam 2021.
God bless all our national athletes”, ani pa Ledesma na dati ring national table tennis player bago naging pinuno ng naturang NSA. Nakatakdang balikatin ng Taguig ang akomodasyon at libreng training venues ng table tennis national athletes and coaches at nasa PTTF na ang desisyon kung kailan magsimula at matapos ang kanilang ensayo at preparasyon.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!