
MANILA – Naka-high alert ngayon ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) matapos tumaas ang mga insidente ng pagbabanta at karahasan laban sa mga mamamahayag sa kasagsagan ng election season.
Ayon kay PTFoMS Executive Director Undersecretary Jose Torres Jr., tutok ang task force ngayong mga linggo, lalo na’t papalapit ang midterm elections. “Ang Presidential Task Force on Media Security ay on alert these weeks, especially ahead of the midterm elections,” pahayag ni Torres sa isang news forum sa Quezon City nitong Sabado.
Isa sa mga kasong binabantayan ng PTFoMS ay ang pagbabanta umano ni La Paz, Abra Mayor Joseph Bernos — isang tumatakbong kongresista — kay dzRH reporter Romeo Beñas noong Abril 21 sa pamamagitan ng Facebook messenger at video call.
Sinabi ni Torres na kasalukuyang nakikipagtulungan ang PTFoMS sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para sa malalimang imbestigasyon sa insidente. “Tinitingnan natin kung ano ang dahilan kung bakit nangyari ang insidente,” ani Torres.
Bukod dito, iniimbestigahan din ang pamamaril sa bahay ni dating Negros Press Club president at radio blocktimer Reynaldo Siason sa Talisay City, Negros Occidental noong Abril 20. Bagama’t walang nasaktan, itinuturing ito ng PTFoMS bilang seryosong banta sa kalayaan ng pamamahayag.
Nanawagan si Torres sa lahat ng kandidato na igalang ang press freedom at hayaan ang mga mamamahayag na gampanan ang kanilang tungkulin nang walang takot sa karahasan o paghihiganti.
“Kalayaan ng pamamahayag, hindi kailanman dapat gipitin — lalo na ngayong halalan,” diin ng opisyal.
More Stories
MAGNOLIA, NILUTO SA INIT ANG PHOENIX!
Sara Duterte, Binanatan si Joel Chua: “Bigyan ng Zero Vote!”
Kontratista sa Pasig, Kinuwestiyon ang P9.6-B City Hall Project ni Mayor Vico