December 20, 2024

PTFOMS KINUNDENA ANG PAGPATAY SA MUSLIM RADIO ANCHOR

MARIING kinondena ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Secretary Paul Gutierrez, ang pagpatay sa isa na namang kapatid sa pamamahayag na isang Muslim radio anchor sa Cotabato City nito lamang gabi ng Lunes, habang  pasakay na ang biktima sa kanyang itim na sasakyan.

Sa inisyal na Imbestigasyon ng mga Awtoridad mula sa Bangsa Moro Police Office na ibinigay ni P/BGen. ni Red Maranan, tagapagsalita ng Philippine National Police, Gutierrez ang nasawi ay kinilalang si Mohammad Hessam Midtimbang, 32, yrs old at isang host ng Bangsamoro Darul Ifta radio program na ipinapalabas sa Gabay Radio 97.7 FM.

Aniya  ang walang kabuluhang ang ganitong pagkilos at karahasan ay walang lugar sa ating lipunan.

Bilang paunang hakbang, sinabi ni Gutierrez na nakipag-ugnayan na siya sa PNP para sa pag-usad ng isinasagawang imbestigasyon at sa 6TH Infantry Division ng Philippine Army para sa suporta sa pangangalap ng karagdagang impormasyon na makakatulong sa pagpapabilis ng pagresolba ng kaso.

Giit ni PTFoMS Gutierrez, “Nakabinbin naman ang resulta ng pagsisiyasat tungkol sa motibo ng pag-atake, na isinasaalang-alang ng PTFoMS na may connection sa trabaho ng biktima bilang isang radio anchor  ang ginawang pagpaslang.”