Ikinasa ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ng online speedkicking competition. Ito ay idaraos ngayong buwan para sa mga local jins na nagnanais na makabalik sa aksyon.

Ayon kay PTA grassroots director Stephen Fernandez, ikinasa ang torneo pagkatapos ng ilang idinaos na poomsae tournaments.Kahit noong quarantine, nagsagawa ng online tilt ang PTA noong Mayo at Hulyo.
Kabilang ng Online Daeu Open European Poomsae Championships noong nakaraang Mayo. Kung saan nagwagi ang bansa ng tatlong gold medals.
“Nag-comment yung ibang mga (kyorugi) players namin. Paano naman daw sila, gusto nila ng competition,” saad ni Fernandez.
Ayon sa PTA, ang pagkasa ng speedkicking championship para sa local athletes ay makatutulong sa kanila. Ito’y sa aspektong pisikal at mental sa panahon ng pandemic.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo