November 18, 2024

PSL Pro Dumper Cup Game 2 Finals RERESBAK ANG DAVAO COCOLIFE TIGERS VS PAMPANGA

LAGING apaw ang adhikaing magtagumpay ng Davao Occidental. Likas ang bangis ng Tigers at laging buhay ang pag-asa pag Cocolife.

Iyan ang matinding karakter ng  Davao Occ.Tigers Cocolife kaya di nawawalan ng pag-asa ang naturang  team  upang ituloy ang mission na winning tradition.

Sa matinding pakikibaka,marami ang balakid bago makarating sa rurok ng tagumpay kaya may sandaling sesemplang o sasadsad pero madali namang makabangon upang ituloy ang hamon ng panahon.

It’s not bed of roses all the time,no chicken feed at walang walk at the park lalo pa’t matindi ang kalaban sa finals.

  At ang matinding challenge  sa kanila ay narito na..ang Pampanga G.Lanterns ni coach Gob.Dennis Delta Pineda kung saan ay naglalaban sila para sa finals ng Pilipinas Super League( PSL)Pro Division Dumper Cup crown.

 Sa game 1 ng best-of-3 ay naunahan sila ng tropang Kapampangan,87-83 sa pamumuno ni prized catch cabalen Justine Baltazar ng Mabalacat.

   Silat  ang defending  champion  team Tigers ng Bautista clan sa Davao Occ. na suportado naman nina Cocolife President Atty.Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque,sa balwarte ng mga kumikislap na parol pero di naman basta papayag ang tropang Davao na dalawahan sila lalo pa’t sa RMC Gymnasium, Davao City ang susunod  na laban bukas.

  Klasikong bakbakan ang masasaksihan sa namamayagpag na pro-am  ,commercial league sa bansa na PSL sa timon nina President Rocky Chan ,VP Ray Alao at Commissioner Mark Pingris.

   Pag nakaresbak ang Tigers sa Davao bukas, dapat  marahil ay sa neutral ground ganapin ang Game 3.

  Mabigat ang dalahin ngayon nina Tigers John Wilson,Robbie Celis-Billy Ray Robles,Gab Dagangon at iba pa kontra kontra Justine Baltazar- led Pampanga.