HANDA na ang pag-arangkada ng liga ng bayan na Pilipinas Super League ( Pro Div.) Second Conference na raratsada sa Nobyembre 23 sa Araneta Coliseum.
Labing -apat na koponan ang magbabakbakan kung saan ay magtatangka lahat (13)na agawin ang titulo sa nagdedepensang Davao Occidental Tigers Cocolife.
Apat na koponan mula sa Visayas Mindanao tulad ng Cagayan de Oro PSP, ARS Warriors,Boracay Islanders at Davao Occ. Tigers ang tatapat kontra sampung koponan mula Luzon ana kinabibilangan ng Nueva Ecija Slashers,Batang Kankaloo ng Caloocan, Bicol Spicy Oragons Worthrand Pero Powers, Homelab Nation Manila, Quezon City Team,Muntinlupa Team, CSB Blazers, Sta. Rosa, Laguna Lions, Pampanga Giant Lanterns at Lakan Bulacan ang mga koponang magpapasiklaban sa ligang inorganisa ni PSL president Rocky Chan katuwang sina vice president Ray Alao, commissioner Mark Pingris, deputy Chelito Caro, basketball operation head Leo Isaac sa timon ni CEO (Mayor)Dinko Bautista.
“Excited na ang mga teams sa PSL dahil sa patuloy na pag-alagwa ng popularidad ng Liga ng Bayan. Pawang malalakas kasi ang mga kalahok sa PSL at ang taas ng antas ng kumpetisyon.Marami pang nais na humabol pero hanggang 14 teams lang ang ideyal,” wika ni VP Alao sa panayam. Pinasalamatan naman ni Chan ang mga backer ng liga bukod sa presentor na Dumper at WINZIR ay ayudante ang La Filipina Corned Pork and Luncheon Meat, Amigo Segurado Pasta and Sauce, Wilson, Wcube Solutions, Inc., Adcon at Hotel Sogo.
More Stories
Sherwin Tiu idedepensa ang titulo sa Pozzorubio Rapid Chess tilt
NAVOTAS, PINARANGALAN ANG FISHING HERITAGE SA ARAW NG MANGINGISDA
LABIS NA PAGDIDISPLINA SA BATA PASOK SA CHILD ABUSE