PANGUNGUNAHAN nina dating Ginebra superstar sa PBA na si Jayjay Helterbrand katuwang si actor/ cager Gerard Anderson ang bagitong koponan pero starstudded na Boracay Islanders.
Ang naging Gin King deadshot na si Helterbrand na walang dudang hahatak ng followers para sa Islanders kasama si beteranong amateur/ commercial league standout Anderson at dambuhalang si KG Canaleta ay haharap sa kanilang unang pagsubok kontra sa powerhouse na koponang Davao Occidental Tigers Cocolife sa pagratsada ng Pilipinas Super League Professional Division Second Conference Dumper Cup Winzir sa Nobyembre 23,2022 sa Araneta Coliseum.
Aarangkada ang Jayjay- led Boracay sa mga champion caliber-players na sina First Conference MVP Gab Dagangon,streak shooter John Wilson,healthy Robby Celis,veterans Bonbon Custodio ,Emman Calo,Larry Rodriguez ,Paulo Hubalde at homegrown Tigers sa kanilang opening game na tiyak na dudumugin ng PSL fans sa Big Dome.
Magku-krus ng landas ang Davao Occ Tigers Cocolife at Boracay dakong ika- 6 ng gabi na susundan ng 8:00 pm nightcap sa pagitan ng Sta. Rosa Lions kontra Cagayan de Oro PSP kung saan magtatapat ang magkaribal na sina Jokey Robles vs Jun Bonsubre sa pagsambulat ng ligang inorganisa nina PSL Pres.Rocky Chan,VP Ray Alao,Commissioner Marc Pingris ,deputy Chelito Caro at basketball operation head Leo Isaac.
Bukod sa Dumper at Winzir, ang Pambansang Liga ay suportado rin ng La Filipina Corned Pork and Luncheon Meat,Amigo Segurado Pasta and Sauce, Wcube Solutions, Inc., Adcon at Hotel Sogo.
More Stories
Gatchalian sa DOLE: Gumamit ng proactive approach para kanselahin ang permit ng mga dayuhang manggagawa ng POGO
MARCOS: MAGDASAL, MAGKAISA SA GITNA NG SUNOD-SUNOD NA KALAMIDAD
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS