Natakasan ng Davao Occidental Cocolife Tigers ang mainit na paghabol ng Manila City Stars upang itala ang ikalawang sunod na panalo ,105-91 sa pagpapatuloy ng elimination round ng Pilipinas Super League (PSL) second conference PRO Dumper Cup sa dinagsang AYSN Sports Center San Juan City kagabi.
Mas nanaig ang veteran moves nina Larry Rodriguez, Keith Agovida at John Wilson partikular sa endgame upang mapigil ang nagbabagang rally ng Manilenos at maipreserba ang panalo ng koponang pag-aari ng Bautista clan at suportado naman nina Cocolife president Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque.
Tinanghal na Super Player of the Week si steakshooter John Wilson sa kanyang pagkamada ng 16 points,9 rebounds, at 3 assists.
Angat ang Tigers kontra Stars ,49-39 sa halftime tungo sa pagtala ng second straight victory ng koponan mula Davao at manatiling walang mantsa ang record sa ligang imorganisa ni PSL president Rocky Chan katuwang sina VP Ray Alao , Commissioner Mark Pingris at CEO Mayor Dinko Bautista.
Naunang pinabagsak ng Tigers Cocolife ang star-studded team na Boracay Islanders, 88-85 noong opening game ng Pambansang Liga na suportado rin ng Unisol,Converge FiberX, Finn Cotton, WDC, Wcube Solutuion, Don Benitos, Winzir at Dumper Party List.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI