HANDA nang sumabak muli sa giyera ng Pilipinas Super League( PSL) President’s Cup 2024 ang powerhouse Davao Occidental Tiger COCOLIFE sa pag-arangkada ng elite men’s basketball division sa Nobyembre 9 sa Araneta Coliseum.
Misyon ng Tigers na koponang pag-aari ng Bautista clan sa Davao at suportado nina Cocolife president Atty.Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Atty.Elmore Omelas,ang pagpapatuloy ng winning tradition ng champion caliber Davao Occidental COCOLIFE.
Naunang nagkampeon ang Tigers sa ibang ligang MPBL at ito ay nasundan ng kampeonato sa PSL National Finals noong nakaraang taon.
Si Bhong Baribar ang may timon sa popular na amateur commercial team at kanyang ihahayag ang komposisyon ng Tigers bago matapos ang buwan ng Nobyembre.
“Roar pa more for victory”, saad ni Ronquillo.
Ang PSL ay sa pangangasiwa ni businessman/ sportsman Chris Bautista at commissioner Allan ‘ the triggerman ‘Caidic. Makulay na opening ceremony ang matutunghayan sa Nob.9 ,6pm sa big dome kung saan ay panauhing top guest performer sa Bamboo.Admission is free.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA