Ilalarga ng Philippine Superliga (PSL) ang Beach Volleyball Cup 2020. Target ng liga na idaos ito sa November 26 sa Subic.
Ayon kay PSL Chairman Philip Ella Juico, naghahanda na ang liga sa restart under new normal. Ito’y bunsod ng pagbibigay ng go-signal ng IATF sa isagawa na ang laro.
Aniya, bumuo na ng medical committee ang team na nakaugnay sa IATF at DoH. Sa gayun ay matiyak na makatutugon ang PSL sa healthy protocols.
Maglalagay din ng temperature checking, orsevance ng social distancing at wearing of mask at shields.
Maglalagay din ng single entry at exit point upang matiyak na naipamamahagi ang meals ng maayos. Sa gayun ay maiwasan ang pagkalat ng virus.
“We’re doing all of these for our fans and supporters who have waited long enough for intense volleyball action,” ani Juico.
“Restarting the season is not easy. But we are willing to do it for our fans, players, coaches, team owners, league personnel and all stakeholders who are seriously craving for the return of volleyball. We, however, have to do it safely and effectively.”
Aniya, suportado ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang ipatutupad na health protocols ng liga.
“SBMA has been very supportive,”aniya.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2