TARGET ng Taguig City Government na matapos na bakunahan ang mga residente at manggagawa sa lungsod sa buwan ng Nobyembre mula sa dating inaasahang Disyembre.
Dineploy ng lokal na pamahalaan ang kanilang dalawang vaccination bus nitong Biyernes sa harapan sa Philippine Stock Exchange (PSE) building sa Bonifacio Global City (BGC) para mapabilis pa ang pagtuturok ng bakuna sa mga empleyado nito na ikinonsiderang economic frontliners.
Malaki ang tiwala ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na ang pagbabakuna sa PSE employees ay mahalaga sa kanilang hakbang na mapataas ang transisyon sa new normal at magpapahintulot sa dahan-dahang muling pagbubukas ng ekonomiya dahil national stock exchange ng PSE na tinaguriang top financial institution sa bansa.
Dagdag pa ng alkalde, bahagi pa rin ito sa agresibong pagbabakuna sa iba pang economic frontliners sa Taguig.
Sa ginanap na vaccination bus roll out dumalo sina Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, National Task Force Implementer Carlito Galvez, Jr.. Senador Pia Cayetano at PSE Chief Operating Officer Atty. Roel Refran.
Iniulat din ni Mayor Cayetano na nitong Hunyo 15, umabot na sa 162,146 indibiduwal ang naturukan na ng bakuna sa lungsod at inaasahang mababakunahan ang buong populasyon nito sa Nobyembre buhat sa dating target na Disyembre.
Ayon sa alkalde, ang tulong ng national government kaya patuloy ang paglawak ng kanilang hakbang na magbigay ng mabilis,ligtas at accessible vaccination sa pamamagitan ng Taguig Vaccination Bus. Nakahimpil ang dalawang vaccination bus sa PSE Building para ma- accommodate ang 500 vaccinees kada araw.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna